Abante Tonite Interactive

All-Pinay finals namumuro sa 9-ball

332

Unti-unti nang hinahawi­ nina Chezka Centeno at Rubilen Amit ang daan sa posibleng muling­ isang all-Pinay finals duel tapos kapwa tumungtong sa semifinals Biyernes ng hapon sa PH 30th Southeast Asian Games 2019 billiard women’s 9-ball sa Manila Hotel Tent.

Binutata ni defending­ champion Centeno, 20, si Angeline Ticoalu ng Indonesia, 7-0, nitong Biyernes habang inipit ni Amit si Indonesian Fathrah Masum, 7-3.

Maaalalang sina Centeno at Amit din ang mga nagtuos sa nasabing event sa Malaysia 2017 SEA Games.

Malalaman ang makakalaban nina Centeno at Amit sa semifinals sa kasagsagan pang quarterfinals matches ng iba pang kalahok mula sa 11 bansa, 12-araw na paligsahang ginaganap tuwing makalawang taon.

“Masuwerte pa rin po ako at marami siyang sinablay na tira,” dada ni Centeno, na nadiskubre sa Batang Pinoy.

Nakatakda ring tumumbok sina Centeno at Amit sa 10-ball singles Final 4 kontra Myanmar Biyernes ng gabi. (Lito Oredo)