Abante Tonite
Mabilis sa Balita

All-Pinoy format iibahin ng PBA

0 273

Hindi malayong magkaroon ng adjustments ang PBA para matapos din ang Philippine Cup ng 45th season base sa schedule.

Ayon kahapon kay commissioner Willie Marcial, pinag-aaralan nila ang pagbabago ng format sa all-Filipino kung hindi matutuloy ang mga laro ng mid-October.

“Kapag tingin namin maiipit nang husto, baka baguhin natin,” pahayag ng opisyal. “P’wede naman nating i-adjust ang format kung kinakailangan, halimbawa kung gagahulin tayo. Pero kung hindi naman …. Basta titignan natin.”

Tinalo ng San Miguel Beer ang Magnolia 94-78 sa opening night noong March 8. Hindi na nasundan, dahil March 11 ay kinansela ang torneo sanhi ng coronavirus.

Dapat sana ay matatapos ang 66-game eliminations ng season-opening tournament noong May 16. Tatapusin din sana sa loob ng isang linggo ang eight-team quarterfinals, susundan agad ng parehong best-of-seven na semifinals at finals.

Kaagahan ng July ay inaprubahan ng IATF ang request ng PBA na makapag-workout na at napaypayan ang tsansa na ituloy ang season ng September o October. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.