Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Allado dismayado kay Ochea

0 534

Dismayado si PBA legend Don Allado kay ARQ Builders Lapu-Lapu City Heroes player Dawn Ochea na dati niyang nahawakan sa Adamson Soaring Falcons sa UAAP.

Isa si Ochea at sa mga sinuspinde’t pinagmulta sa kontrobersyal na laban ng Lapu-Lapu at Siquijor Mystics sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Miyerkoles na maamoy ng mga netizen na may ‘game fixing.’

Isa sa video na nag-viral ang free throw shooting ni Rendell Senining ng Heroes kung saan una nitong ginamit ang kanyang kaliwang kamay na pang-shoot habang sa pangalawang tira ay kanan na. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.