Abante Tonite Interactive

Allan Diones: Heart, POISED pa rin kahit tulog!

10

allan-dionesKATABI ni Vice-Presidentiable Chiz Escudero ang lovely wifey niyang si Heart Evangelista-Escudero nang maka-dinner chikahan niya ang showbiz press nu’ng Miyerkules.

Todo-suporta si Heart sa kanyang mister at maging sa kampanya nito sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ay sumasama ang Kapuso actress.

‘Yun ang first sit down interview ng mag-asawa with the entertainment press, na kadalasan ay si Heart lang ang nakakausap.

In fairness ay komportable si Senator Chiz na sumagot sa lahat ng mga tanong, tulad nang mausisa siya tungkol sa balitang sinapak umano siya ng mister ng close friend at running-mate niyang si Presidentiable Grace Poe.

Ayon sa kumalat na tsika ay sinapak ni Neil Llamanzares si Chiz dahil sa isyu ng nawawalang pondo sa kampanya.

chiz-heart-001
Chiz Escudero at Heart Evangelista-Escudero

“Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ‘yon. Walang katotohanan whatsoever ‘yon. Magkumpare kami ni Neil.

“Kami na siguro ni Grace ang pinakamalapit sa eleksyong ito.

“Si Mar at si Leni, ngayon lang nagkakilala. Si Duterte at si Cayetano, ngayon lang naging close.

“Si Binay at si Honasan, magkaaway pa dati. Kinu-coup ni Gringo si Tita Cory, eh kakampi ni Tita Cory si Binay.

“Si Miriam at si Marcos, magkaiba rin. Anti-Marcos si Miriam.

“Kami na ni Sen. Grace ang napakara­ming pinagdaanan, napakaraming nalampasan at ‘yung pamilya na siguro namin din ang pinaka-close sa lahat ng magka-tandem.

“Buti na rin na ‘yun ang sinasabi nila, kesa sabihin nilang magnanakaw kami o palpak o bobo kami.

“At least, ‘yung isyu at intrigang pinapalabas nila, maliwanag na walang basehan at katotohanan.

“Hindi ako naka-shades at wala akong blackeye. At araw-araw ho akong lumalabas ng bahay at nanga­ngampanya.

“May kasama kaming media palagi na embedded. Ni minsan, wala naman silang nakitang blackeye.

“Ano ba ‘yon? Ang labo naman ng kuwentong ‘yon.

“Kahit sigawan ho, wala ah? We’re very good, actually. We (sila ng mister ni Grace) get along really well,” tuluy-tuloy na bulalas ng VP candidate sa kanyang sariling istilo ng pananalita.

Saan galing ‘yung sapakan isyu na ‘yon?

“Bahagi na ho ng eleksyon. Parang showbiz lang ‘yan, ‘pag may pelikula, ang daming isyung luma­labas.

“Sa pulitiko, ‘pag may eleksyon, marami ring isyung lumalabas.”

***

Ani Sen. Chiz, mas napatunayan sa eleksyon na ito kung gaano kalawak ang ginagampanang papel ng social media.

Paglilinaw niya, hindi lahat ng nababasa sa internet ay totoo. Hindi kasi nasasala ang mga ito tulad ng sa mainstream media.

Ngayon, lahat ay media basta maru­nong mag-video, mag-picture at mag-post sa internet.
Walang self-regulation.

Ayon sa Senador na tubong-Sorsogon, ang dasal niya sa halalang ito ay ibigay kung ano ang kaloob ng Diyos at kung ano ang para sa kanya.

Kung anuman ang mangyari pagkatapos ng Mayo 9 ay balik Senado siya dahil ang term niya ay hanggang 2019 pa.

Basta ‘yung araw pagkatapos ng eleksyon ay matutulog si Sen. Chiz dahil marami-rami ang babawiin niyang tulog mula sa pangangampanya sa nakaraang tatlong buwan.

***

“Praktis-praktis lang!” ang natatawang sagot ni Chiz sa taong kung nagta-try na silang magkaanak ng misis niyang si Heart.

Aniya, gusto na nilang magka-baby early next year. So, bale 2017, tapos ay 2018 ulit.

In short ay taun-taon ang gusto niya.

Nagreak si Heart at ang sabi nito ay kailangan nilang magtipid, na parang sinasabing huwag naman yearly ang kanyang panganganak.

Tungkol sa much-awaited honeymoon nila, ang alam ni Chiz ay hanggang July o August pa ang bagong primetime series ni Heart na Juan Happy Love Story.

Hindi na raw niya kasalanan ‘yon after ng eleksyon dahil hindi siya ang may teleserye.

Sey ni Heart, sa Europe sana nila gustong mag-honeymoon, pero baka dito na lang. Nakangiting sey ni Chiz, sa Sorsogon na lang sila magpunta.

Napakasuwerte ng feeling ni Chiz na ‘pag galing siya sa trabaho at sa init ng araw, meron siyang maybahay na katulad ni Heart na uuwian.

Sorry na lang daw sa mga hindi kagaya ng misis niya ang inuuwian.

Sabi ng ka-tandem ni Sen. Grace Poe sa Partido Galing at Puso na si Sen. Chiz, bago niya pinakasalan si Heart ay alam na niya lahat ng tungkol dito.

Pero ang isang nadiskubre niya rito ay maganda pa rin ang misis niya kahit bagong gising ito.

Hindi pa niya ito nahuling nakangaga ang bibig habang natu­tulog. Kahit tulog ay nakasara pa rin daw ang bibig nito at poised pa rin.