Abante Tonite Interactive

Allan Diones: Megan, ‘nanakawin’ nina Pia at Olivia!

7

LOVE ng mga Pinoy si Miss USA 2015 Olivia Jordan, na pumunta ng ‘Pinas para maging sa isa sa mga hurado sa katatapos na Bb. Pilipinas 2016 coronation night.

Napaka-bubbly and lovable ng 27-anyos na beauty queen, na laging naka-smile at very posi­tive ang aura kaya gustung-gusto siya ng Pinoy pageant fans.

Bumisita ng bansa si Olivia sa imbitasyon ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Housemates ang dalawa nang mag-compete sila sa Miss U at naging close sila.

Megan Young & Olivia  Jordan
Megan Young & Olivia Jordan

Ganu’n na lang ang pasasalamat ni Olivia kay Pia, na kung tawagin niya ay ‘Queen P’ sa pag-imbita sa kanya, dahil matagal na pala niyang gustong makarating ng Pilipinas.

Hindi lang kay Pia may konek si Olivia kundi pati sa isa pang Pinay beauty title holder, si Miss World 2013 Megan Young.

Kung sa Las Vegas last year ay nakalaban ni Olivia si Pia, back in 2013 ay nakalaban din ni Olivia si Megan sa Miss World beauty pageant na ginanap sa Indonesia.

Nag-2nd runner-up si Olivia sa Miss Universe 2015, habang sa Miss World 2013 ay nakapasok siya sa Top 20.

Parehong Pinay ang tumalo sa kanya at nag-uwi ng korona, na in fairness ay naging mga kaibigan niya.

Nag-post si Megan sa Instagram ng pic nilang dalawa ni Olivia. Ang sey ni Miss World, “So happy I got to see this doll last night! I’m so happy for all your achievements, Oli­via!

“Keep on spreading posi­tivity where­ver you go. Hope to see you soon!”

Bale three days lang ang itinagal ng tisay na dala­ga sa ‘Pinas, pero na-enjoy nito nang husto ang stay niya.

Nakapag-explore kahit paano si Olivia at sa tuwa niya ay ayaw niya pang umalis ng bansa.

May pinost siyang pic sa IG na nag-pose siya sa may Taal Volcano sa Tagaytay.

“Be filled with wonder. Be touched by peace. Loved exploring this beautiful country today. I’m so grateful for this unbelie­vable opportunity.

“Sending love and peace to all the incredi­ble fans that have welcomed me this week!” ang masayang caption dito ni Olivia.

Sa sunod niyang post, ang sabi niya, “My bags are packed but that doesn’t mean I’m ready to leave.

“Hope to be back soon to the Philippines. Thank you for all of your incredible support!!!”

Nang makabalik ng Amerika si Olivia ay may IG post siya for Megan na, “Just landed back in NYC and I already want to go back to the Philippines. Grateful for the experience and for the chance to catch up with the gorgeous Megan Young.

“So happy for her and all the great work she is doing!!!!!”

Si Queen Pia ay may message din for Olivia gamit ang IG account ng Miss Universe.

Sey ni Pia sa kanyang post, “Liv, I know it was a short trip but thank you so much for coming with me to the Philippines! I’m so glad everybody gave you a warm welcome.

“I hope you enjoyed the pageant. And next time we definitely have to hit the beach when our schedules aren’t so hectic anymore.

“I promise you that! First stop, Boracay! And let’s steal Megan Young? Hehe!”

Maging si Pia ay hindi pa rin daw handang umalis ng ‘Pinas, kaya lang ay kailangan because duty calls.

Ang next stop ni Miss U ay Peru. Wish niya ring makabisita ng Ecuador na sinalanta ng malakas na lindol nu’ng isang araw.

Si Olivia Jordan ay back to normal ang buhay doon sa Amerika. LA-based ang beauty queen-model from Oklahoma, na nag-aartista rin.

Lumabas si Olivia sa mga pelikulang Hot Tub Time Machine 2, Ted at Here Comes the Boom kung saan kasama sa cast si Charice.