Abante Tonite Interactive

Allan Diones: Patricia, ate-atehan ni Alden POKPOK!

30

allan-dionesFOR the first time ay ­sinagot ni Patricia ­Tumulak aka Patring ng Eat Bulaga ang isyu ng pamba-­bash sa kanya ng fans dahil nali-link siya kay Alden Richards.

Ayon kay Patricia, never in a million years niyang naisip na mali-link siya kay Alden dahil unang-una ay ­family sila sa EB at ATE na siya nina Alden at Maine Mendoza.

Kaya hindi niya maisip kung saan nakuha ng fans ‘yung idea na mauugnay siya kay Alden.

Ang sina­sabi na lang sa kanya ay dahil siguro sa Dabarkads ay siya na lang ‘yung single at wa­lang dine-date, kaya siya lang ‘yung puwe­deng ma-link kay ­Alden.

Alden Richards at Patricia
Alden Richards at Patricia

In fairness kay Patty, lagi lang siyang po­sitive, deadma at walang keber sa mga paninira at nagtsitismis sa kanya dahil alam niyang walang katotohanan ito.

Minsan lang siya naapektuhan nu’ng makalimutan niyang ­burahin ‘yung masasakit na comments sa kanya sa Insta­gram, na nabasa ng nanay niya at humagulgol ang madir niya sa grabeng mga panlalait na sinasabi sa kanya ng ­haters at bashers.

As in ang tindi ng mga akusasyon sa kanya tulad ng nabuntis na raw siya, nagpalaglag at pokpok siya na teacher na nagpapakyut at nilalandi si Alden.

Pakyut daw siya kay Alden dahil sa mga sinusuot niya, samantalang may stylist siya sa EB na talagang medyo sexy ang mga pinapasuot sa kanya dahil may image siya sa show na beauty queen-host.

Dating pre-school teacher si Patring sa ­Miriam Grade School, tapos ay nagturo rin siya sa public school at sa small school, kaya totoong teacher siya.

Medyo nasaktan siya na pati ang pagi­ging teacher niya ay dina­damay gayong wala siyang ginagawang masama.

Nang umiyak ang nanay niya ay doon lang na-explain ni Patty sa madir niya ‘yung tungkol sa ginagawan siya ng tsismis kay Alden kaya galit na galit sa kanya ang ilang AlDub fans.

Never niyang sinagot ang mga ito dahil katwiran niya, ang best way ay deadmahin na lang, huwag lumaban at i-block na lang ang mga basher.

Kasi, talo siya ‘pag nilabanan niya ang mga ito. Sabi sa kanya ng nanay niya, kung hindi na niya kaya at gusto niyang umalis sa show ay umalis na lang siya.

Sumusumpa si Patricia na never niyang na-feel na gusto siya ni ­Alden o kung anuman.

Hindi niya rin ito nilandi kahit kailan, mukha lang siyang maarte, pero hindi siya malanding babae.

Never din silang ­lumabas nito, nag-dinner o nag-date gaya ng sina­sabi ng bashers.

IMBENTO lang ang lahat.

Isang nag-comment sa IG ni Patring ang kaswal niyang sinagot na, “Ang tanda ko na, girl!” dahil mas bata sa kanya si Alden at ang gusto niya sa lalaki ay ‘yung kaedad niya (28-­anyos siya) o mas matanda.

Aminado ang dalaga na siya na mismo ang umiiwas kay Alden dahil konting galaw ay may nasasabi ang malisyosang fans. Sinabihan niya ang binata na huwag na lang silang mag-usap para iwas-gulo dahil kung sinong lapitan o dikitan ni Alden ay naba-bash agad.

Sina Patty at Maine ay okey na okey, wala silang problemang dalawa. ‘Yung mga tao sa labas ang apektado sa isyung hindi naman totoo.

“Kung alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama, stay strong, heads up at deadma. ‘Pag alam mong wala kang tinatapakang tao, maki­kita ‘yon, eh. Without even defending yourself, without even pleasing everyone. Just being yourself lang,” sambit ng seksing si Patring, na opisyal na ang pagpasok sa akting dahil part siya ng cast ng bagong Kapuso morning soap na Calle Siete.

Ang Calle Siete na pagbibidahan nina Eula Valdez, Christian Vasquez at Ryzza Mae Dizon ang papalit sa Princess in the Palace simula sa Lunes (June 13) bago mag-Eat Bulaga.