Abante Tonite Interactive

Allan, Johnny sa Wish Olympics

419

Pangungunahan nina Allan Caidic at Johnny Abarrientos ang Philippine Basketball Association Legends na magla­laro kontra isang celebrity team sa Wish Olympics sa Smart Araneta Coliseum bukas, Linggo.

Ang one-day event ay para sa mga biktima ng Taal volcano eruption at inorganisa ng UNTV sa pangunguna ni pre­sident/CEO Dr. Daniel Razon.

Makakasama nina Caidic at Abarrientos ang mga dating PBA star ding sina Jayjay Helterbrand at Willie Miller, at players ng UNTV na sina Rod Vasallo ng PITC, Anton Tolentino ng PNP, Julius Casaysayan ng Agriculture at Carlo Gonzalez at Macky Escalona ng GSIS.

Sa celebrity team sina Mark Herras, Ejay Falcon, JayR, Young JV, Jordan Herrera, Adrian Alandy, James Blanco, Albie Casiño, Gerhard Acao, Axel Torres at Rayver Cruz. (VE)