Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Allen aakyat sa ‘bundok’ ni Katrina

0 471

RODEL FERNANDO: Kahit sabihin pang nakawala na sina Allen Dizon at Katrina Halili sa pagpapa-sexy ay marami pa ring umaasa na makita ang mga katawan nila sa big screen. Sa bago nga nilang pelikula na ‘AbeNida,’ sinabi ng dalawa na may mga daring scene pa rin sila na aabangan ng kanilang mga tagahanga. Sa totoo lang naman kasi may mga ipapakita pa rin sila dahil pareho pa naman silang in good shape.

Anyway, tuwang-tuwa naman ang producer ng movie na si Baby Go dahil napagsama niya sa isang pelikula sina Allen at Katrina. Ngayon palang ay excited na ang lady producer na may cameo role rin sa movie.

MILDRED BACUD:Iba raw ang makaeksena ang mahuhusay na artista. Ito ang sinabi ni Katrina Halili sa presscon ng upcoming movie nila ni Allen Dizon, ang AbeNida.

Nang tanungin namin siya kung ano ang pakiramdam na makatrabaho si Allen, sabi niya. ” Nakaka-pressure kasi ang dami na niyang awards. Ako nga sa tagal ko sa industriya wala pa akong award.”

To be exact ay 44 na ang award ni Allen international and local. Kaya naman ngayon pa lang daw ay paghahandaan na ng aktres ang mga eksena nila ng aktor. Magda-diet pa raw siya dahil medyo nanaba sa pandemic.Wala raw kasi siyang ginawa kundi magluto at kumain.

Sa El Nido Palawan na pala nakatira si Katrina kasama ang ina at anak. Balak na rin niya to stay there for good at luluwas na lamang daw sa Manila kapag may taping. Mas gusto na raw niya ang buhay sa probinsya. Napakasimple lang at enjoy niya ang pagiging ina. Hindi rin daw niya prayoridad ang lovelife sa ngayon kahit matagal na silang hiwalay ni Kris Lawrence.” Feeling ko di ako maka-focus kapag dalawa, so sa career muna ako, ” sabi niya.

ROMMEL PLACENTE: Si direk Louie Ignacio ang direktor ng AbeNida.Kasama sa naturang pelikula ang actress-director na si Laurice Guillen at ang actor-director na si Joel Lamangan.

Naidirek na ni Louie si Joel sa pelikulang “School Service” na nanalong Urian Best Supporting Actor si Lamangan.

Sa tanong kay direk Louie kung ano ang naging reaksyon ni Laurice nang kunin nila ito sa pelikula,ang sabi niya,’Actually ang kumausap sa kanya muna,si Dennis (Evangelista-supervising producer ng pelikula). Ngayon,nagpapadala ng script. Pinadalhan namin ng script .Siyempre Laurice Guillen,babasahin,detalyado.Nakakatakot di ba? So,tuwang-tuwa kami kasi binalikan agad kami. Nagustuhan yung script,nag-yes.”

Nang malamang tatanggapin ni direk Laurice ang pelikula,agad nag-text si direk Louie sa mommy ni Ina Feleo. Sabi niya sa text,”Gusto ko.pong malaglag sa upuan pagkasabi ninyo ng oo.” Pero totoo naman,for a director,ako’y isang hamak na Louie Ignacio lang siya, master director.Sagot niya sa text,”Ikaw naman.Hindi naman masyado.” Dun sa text message niya na yun,

medyo kumalma na ako. Kasi kinakabahan talaga ako,” kuwento ni direk Louie.

SM food to go Banner Ad

ROLDAN CASTRO: Isang ‘sculptor’ na mentally deranged ang papel na gagampanan ni Allen Dizon sa AbeNida. Ito ay prodyus ng BG Productions International.

Excited na si Allen sa kanyang bagong proyekto dahil napaka -challenging ng kanyang role.

Handa na si Allen sa kapraningan niya sa pelikula.

“Yung karakter ni Abe may tama sa utak,eh. Kaya niyang gawin ‘yung masturbation, may nude, may love scene (naglalakad ng hubot hubad). Kapag daw artist ka, kapag nag-uukit ka para ka raw nakikipag-sex ‘yung feel mo. So, dapat daw hinahawakan mo, ‘yung hagod mo so, talagang parang may sensation talaga.kailangang ma-feel ko ‘yun ,” bulalas ni Allen.

Handa na rin daw niyang busisiin ang kaseksihan ni Katrina Halili sa pelikula. Ready na niyang i-feel ang malulusog na ‘bundok’ ni Kat dahil kasama ‘yun sa trabaho.

“I-feel ko ko lang pero hindi ko puwedeng namnamin,” sey niya sabay tawa .

Anyway, malaki ang pasasalamat ni Allen na siya ang kinuhang bida ni Ma’am Baby Go na itinuturing niyang kapamilya.

Ganoon din ang nararamdaman ng nasabing lady produ.Hindi raw nakakalimot ang aktor.

“Si Allen maganda ang attitude. May pera ka o wala, may hanapbuhay ka o wala, may movie siya o wala nandiyan siya. Very supportive siya. Sabi ko nga, siya na lang kesa kumuha ng iba.Pag tapos na ang movie , bye. Pero si Allen nananatili siya hanggang ngayon. ‘Allen I need you,’ nandiyan siya agad, tutulong siya agad,” deklara ni Ma’am Baby.

Pang-anim na pelikula na ito ni Dizon sa BG.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.