Abante Tonite Interactive

Allen bawal umakting kay Brillante

By
837

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioIba talaga ang panghalina at pangrahuyo ng pelikula ni Direk Brillante Mendoza, huh! Bakit kaniyo, kasi nga ang Alpha, The Right To Kill, maliban sa pagiging film in competion sa San Sebastian Film Festival aba naman, may distributor na agad sa pangmalakasang international market, ang Memento Films International. O, di ba, pangabog! Hindi pa ipinapalabas, assured na mapapanood sa ibang bansa.

Ang bago niyang obra, ang ilan sa makakalaban sa nasabing A-List film festival ay ang Felix Van Groeningen’s Beautiful Boy kung saan award winning performance na naman ang pinamalas ni Timothee at Peter Strickland’s In Fabric. Ang Alpha ay tungkol sa war on drugs at ang kuwento ay tungkol sa isang pusher turned informant Elijah at ang police officer na si Espino.

Si Allen Dizon ang magbibigay buhay sa katauhan ng kurakot at sakdal walanghiyang pulis pangkalupaan.
Hindi ba mahirap gampanan si Espino?

Mabilis niyang tugon,­ “Mahirap kasi dapat akong sanay na ako na ginagagawa ko ang ganun. Dapat walang alinlangan. Dapat parang second skin ko na talaga ang pumatay. Eh kay direk Brillante pa naman, bawal yung umaakting, dapat totoo ang pag ganap. Kung ano ang katotohanan, damdamin at pinag­lalaban ko bilang si Espino, dapat hindi lang makikita, dapat mararamdaman ko talaga para natural ang pag-arte. May freedom ka na gawin ang gusto mo pero hindi ka dapat umaakting.”

Ang aral sa Alpha, ayon kay Dizon, “Dapat ang iyong kinikita, hindi dapat galing sa masama. Pag easy money, easy waldas, easy ubos. Pag hard earned money mas magtatagal, mas masarap gastusin. Saka, ang kasamaan, hindi tumatagal, may kakalos sa mga taong tulad ni Espino. Hindi ako magtatakang maraming magagalit sa kanya at hindi siya mauunawaan o maiintindihan. Huwag siyang tularan o gayahin.

Pag mali, at alam mong mali ang iyong ginagawa, huwag mong kumbinsihin ang sarili mo na tama ito kasi may pakinabang ka at mga taong mahal mo o malapit sa iyo.”

***

Jerald nakipag-closure sa Paris

Hindi na ako nagtataka kung bakit ang karera ni Jerald Napoles, isa sa mga bida sa paparating na pelikulang ‘Nakalimutan Kong Kalimutan Ka,’ ay patuloy sa paggulong dahil nga marunong itong makaalala sa mga taong minsan ay nakadaupang palad niya.

Publicist ako dati sa isang theater­ company at si Napoles, naging­ artista namin. At simula noon, hanggang sa media conference para sa kanyang pelikula, marunong siyang magpugay.

Basing it on the trailer, balanse ang comedic elements at drama and it does help that Abrenica, Napoles and Gonzaga are charming performers.

Nagka-crush daw si Alex kay direk Fifth na ang reaksyon talaga ni Solomon, wagas! Parang he wants to perish with the thought. Hahahaha.
Ang bagong direktor,­ ang hanash tungkol sa una niyang pelikula. “‘Yung process, nagka-vertigo na ako. Hahahaha! Pressured, of course, siempre, ang wish ko sana kumita. Galing ako sa Big Brother, Nagulat sila, ‘Uy! Nadidirek na.’ Nag-aral naman ako. Nag master ako film sa Australia, hindi ko tinapos kasi dumudugo ang accent ko sa kanila. Gusto ko pa ring umarte, siyempre. Ngayon, focus rin ako sa directing at pagsusulat. Ang sarap sa feeling na makita mo ‘yung sinusulat mo nagiging pelikula. Alam niyo, kasi pag hindi ako tumalon, walang mangyayari. Sobrang kinakabahan ako pero I am passionate about all this. Alam ko na maraming makaka-relate.”

Si Napoles ang hindi makalimutan, “I lived with a French woman for two years. We made plans, saw the future, para kaming naging mag-asawa, gigising ako, siya ang una kong makikitang mukha, siya rin sa pagtulog. May closure na rin kami. Four years na hindi kami nagkita, I was in Paris recently, nakapag-usap na kami doon, yung ang unang closure.”

Ang paraan ni Gonzaga, para makalimot, “Ako, totodohin ko muna ang pagiging tanga, sagad na talaga. Halimbawa, nag text ako, di sumasagot, tatawagan ko. O kaya, kung kinakailangan, pupuntahan ko wherever. Pag sobra na akong tanga at wala na talaga akong magagawa, doon ako tatayo ulit. Pag wala na akong maibaba pa, I have no choice but to stand up and live my life well.”
Palabas na sa Sept. 19 ang Nakalimutan Kong kalimutan ka. Huwag kalimutan ha.