Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Allen walang kiyeme sa masturbation

0 2,570

NI: ARCHIE LIAO

Bagamat nagsimula sa pagpapa-sexy, nagmarka si Allen Dizon sa mga de-kalibreng drama na nagpanalo sa kanya sa mga prestihiyosong international film fests.

Speaking of his new movie,sasabak sa mapangahas na papel si Allen bilang isang iskultor o magdudukit na may sayad sa Abe Nida.Ikaanim niyang pelikula ito sa BG Productions.

First time rin niyang gagawin ang masturbation scene na aniya’y hindi pa niya nagagawa sa alinmang pelikula niya.

SM food to go Banner Ad

“Bata pa ako, ginagawa ko na iyan. It’s a natural thing. Ginagawa ng tao iyan, di ba?,” sambit niya.

Kahit tinitingala bilang A list actor, hindi naman siya naniniwala na makababawas ito ng estado niya bilang multi-awarded actor.

Aniya, bahagi raw iyon ng trabaho niya bilang actor.

Tiwala rin siya sa direktor niyang si Louie Ignacio na hindi magiging bastos ang execution ng nasabing eksena.

Leave A Reply

Your email address will not be published.