Abante Tonite Interactive

Allona umiyak sa ‘TNT Abante Live’

By
375

Sino naman ang mag-aakala na ang mahinhin, mabini at mahiyaing si Annaliza Canzon, minsan sa kanyang buhay ay naging si Allona Amor, sexy star na tiningala at marami ang nagmahal.

Ang ‘Evangeline Katorse’, ‘Bubot’, ‘Virgin People 3’, ‘Gi­sing Na Si Adan’ ay ilan lamang sa mga pelikulang tumatak sa masa, lalong-lalo na sa mga barakong narahuyo sa kanyang alindog at kariktan.

Ang diva that you love, ibi­nabahagi ang ilang mga tanong at sagot ni Allona Amor nang dumalaw siya sa ‘Tambayan Ng Tsika Tonite’, ‘Abante/Tonite TNT Live’.

May pagkakaiba ba si Allona Amor kay Annaliza Canzon? “Meron. Si Allona, sexy at alluring, ‘yung tunay na ako, conservative. Hindi makakalabas ng bahay na naka-shorts. Sa akin ‘yung pagpapaseksi ko nu’n, hindi naman malala, very light lang. Masuwerte ako na may mga co-stars ako na mas palaban at mas game na game sa pagpapa-sexy.

Paano niya pinaghandaan dati ang mga love scene? “Naku, lagi akong kina­kabahan. Umiiyak pa nga ako. Fee­ling ko talaga may nabawas sa pagkatao. Pang-apat na pelikula ko na yata nu’ng naging komportable na ako. Ang attitude ko noon, trabaho ko lang ito. Ginagawa ko para sa pamilya ko, gusto ko kasing makapag-aral ang mas nakakababata kong mga kapatid. Ang gusto ko kasi talaga maliban sa pagiging modelo, ang maging dramatic actress.”

John Regala gigil sa PAGLAPLAP

Sa kanyang mga naging lea­ding man, sino sa kanila ang hindi niya makakalimutan? Nahihiyang reaksiyon ni Allona, “Kailangan pa ba silang pag-usapan? Hahahaha! Si John Regala, unforgettable kasi kahit wala sa eksena hinahalikan niya ako. Kung makahalik pa, gigil na gigil! Hinahabol-habol pa ako! Hahahaha!”

Jestoni Alarcon nanghahalik sa noo

Patuloy niyang sagot, “Si Jes­toni Alarcon, crush ko kasi kaya ‘pag naglalapat na ang mga labi namin, kinikilig talaga ako. Saka mabait siya, inaalagaan ako, maasikaso. Saka marespeto siya sa akin. Lagi niya akong hinahalikan sa noo. Mabait rin sina Gary Estrada at Jeffrey Santos.”

May leading man ba siyang tunay na nadarang, tinigasan habang sila ay may love scene? “Meron. Hahahaha! lahat naman sila natu-turn on. Natutuwa naman ako, kasi maalindog pala ako. Hahahaha. Wala naman sa kanilang lumalagpas sa limit kahit nga turned on na sila.”
Sa peak of her career, si Allona ay naging nanay. Hindi niya itinatanggi na nalungkot siya sa mga pangyayari. Hindi niya napigilan ang maging emosyonal at mapaluha.

Ano ang naging pakiramdam mo noong nawala ang lahat? “Gusto ko naman talagang magka-baby, 24 na ako nu’n, wrong timing lang siguro kasi maganda pa ang takbo ng career, sunod na sunod pa ang pelikula.”

Napaluha na si Allona habang sumasagot, “Ang na-miss ko talaga, ‘yung love ng mga tao. Naalala ko lang ‘yung time na love na love ako nu’ng tao, ‘yung sinisigaw nila ang pangalan ko, nakaka-touch, siyempre nawala. Naramdaman ko ‘yung pang­hihinayang. Nakaka-miss ang sumayaw, shooting, location, pero nu’ng dumating na anak ko, masarap maging nanay.”
Ano ang pakiramdam niya nu’ng una niyang makita ang kanyang panganay na si Nash, “Napaluha, excited na mayakap siya. Iba ‘yung pakiramdam, iyak ng kaligayahan.”

Ang payo ni Allona sa mga nais na maging artista, “Focus lang kung ano ba talaga ang gusto nila. Laging magdadasal. ‘Pag may career na, manatili ang mga paang nakatuntong sa lupa. Huwag ilagay sa ulo ang kasikatan. Huwag yumayabang. Higit sa lahat, mag-ipon, magpundar.”

Tsikahan sa panganay na anak ni Allona

Ang panganay na anak ni Allona, si Nash Tillah ay na­ngangarap ding maging artista. Nasa Grade 10 sa kasalukuyan ang binatilyo, mahilig sa mga vintage song at pagsasayaw, basketball player din at ang mga paboritong aralin, Math at Ara­ling Panglipunan.
Ang kanyang mga showbiz crush, “Si Kyline Alcantara kasi mabait, saka low profile. Napanood ko siya sa isang theatrical play. Magaling siya. Si Arci Muñoz, sexy saka nagagandahan ako sa kanya.”
May crush ba siya ngayon? “Dati. Wala ngayon. Ayoko kasing umaasa. Ang mga crush ko, gusto ko mga chinita, saka ‘yung maru­nong kumanta. May crush nga ako dati, pinakilala ko kay mama, kasi kamukha niya.”
Allona Amor at Nash Tillah, mag-inang magandang halimbawa para sa lahat.