Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Allowance dapat sa Bayanihan 2: Mga frontliner binukulan ng P6.4B

0 103

Inamin ng Department of Budget and Management (DBM) na umaabot sa P6.4 bilyon ang pondo na hindi nagamit ng tanggapan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III para sa allowance at iba pang benepisyo ng mga frontliner na kumakalinga sa mga pasyenteng may COVID-19.

Sa pagdinig ng House committee on public accounts nitong Biyernes, nagtanong si Marikina Rep. Stella Luz Quimbo kung magkanong pondo ang hindi nagamit sa ilalim ng Bayanihan 2 para sa allowance ng mga healthcare worker.

Sinabi ni DBM officer-in-charge Tina Rose Canda na wala nang pera ngayon dahil ibinalik na ito sa National Treasury.

Ang Bayanihan 2 ay nag-expire noong Hunyo 30, 2021. Ang pondo para sa Bayanihan 2 ay kinuha sa savings ng 2019 at 2020 national budget.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“At the expiration, it was P6.4 billion. Lahat-lahat at the expiration, ang hindi nila nagamit is P6.4 billion,” sabi ni Canda.

Nagtanong si Quimbo kung maaari pang kunin ang P6.4 bilyon para mabayaran ang mga frontliner na hindi pa nakakatanggap ng kanilang allowance at iba pang benepisyo.

Sinabi ni Canda na dalawa ang maaaring gawin para mabayaran ang mga frontliner – magpasa ng batas ang Kongreso o makagawa ng pondo ang DOH.

“Your opinion is Bayanihan 3 is needed or that kind of a law an authorization from Congress,” sabi ni Quimbo na nakatanggap ng positibong tugon mula kay Canda. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.