Abante Tonite Interactive

Allowance ng mga atleta, namadyik

By
1,729

Masisira ang bokabularyo at mga salita sa diksiyonaryo ni Webster sa komunidad ng sports sa Pilipinas.

Matagal nang natapos ang isang malaking torneo subalit hanggang sa kasalukuyan ay nagtatanong pa rin ang mga pambansang atleta hinggil sa katotohanan kung may dapat nga ba silang matanggap na allowance mula sa isang malaking asosasyon na nag-organisa ng torneo kung saan sila lumahok.

Mahabang panahon na rin ang kanilang ipinaghintay subalit tila wala nang matinong kasagutan sa kanilang mga katanungan na tanging masasagot lamang ng kanilang mga namamahalang opisyales.­

Malaking tulong sana sa mga nasabing atleta kung kanilang natanggap ang dapat na eksaktong insentibo mula sa sakripisyo at pinaghirapan nila na makapagkuwalipika sa prestihiyosong torneo subalit tila bato-balani na lamang kung kanilang mahahagilap ang katotohanan.

Ang kanilang allo­wance ay namadyik dahil hindi na ito ibinigay ng opisyales sa isang organisasyon.
Saan o kanino ­napunta ang para sa ­allowance ng mga ­atleta?