Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Allowance ng mga barangay, SK off’l sa Cebu inawat ng COA

0 455

DAHIL katumbas na ng double compensation, pinatitigil ng Commission on Audit (COA) sa Cebu City government ang ibinibigay nitong honoraria sa mga barangay workers at youth officials.

Ayon sa annual report ng COA, paglabag sa Local Government Code of 1991 at local budget circular ng Department of Budget and Management (DBM) ang pamamahagi ng P25,379,308 cash allowances sa Gender and Development (GAD) focal persons, drivers loaders at mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ng lalawigan mula July 1 to December 31 ,2019.

“We recommended that the management (city) stop the practice of paying honoraria to the barangay GAD focal persons, drivers and laborers, and SK officials,” ayon sa COA.

Ikinatwiran ng Cebu City government na may probisyon sa Local Government Code na nagsasaad na maaaring magbigay ng dagdag na honoraria kung kaya ng kanilang budget at hindi umano kalabisan kung magbigay ng dagdag na honoraria.

Ipinaliwanag ng COA na pinapayagan ang additional allowances at iba pang benepisyo sa mga judges, prosecutors, public elementary, high school teachers at sa iba pang national government officials kung kakayanin ng budget subalit hindi kasama dito ang mga barangay officials at kawani ng lungsod. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.