Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Allowance ng mga guro lumobo

0 264

Magandang balita para sa mga guro at mga school heads dahil makakatanggap sila ngayon ng mas mataas na monthly special hardship allowance.

Ang naturang special hardship allowance ay ipinagkakaloob sa mga guro at mga administrators sa elementary at secondary schools na nalalantad sa ‘extreme difficulties’ at ‘hazards’ sa pagtupad sa kani-kanilang tungkulin.

Sa ilalim ng joint circular ng Department of Education (DepEd) at ng Department of Budget and Management (DBM), ang halaga ng naturang allowance ay tinaasan ng 25% ng monthly basic salary ng personnel mula sa dating 15% lamang.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, binawasan rin ang mga requirements para mai-avail ng mga personnel ang naturang allowance.

Sa ilalim ng bagong guidelines, ang mga kuwalipikadong guro ay kailangan na lamang magsumite ng kanilang Daily Time Record (DTR) upang makapag-avail ng allowance.(Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.