Abante Tonite Interactive

Allysha Le na-injury, laglag sa World Skate

251

By Myris Lee

Bigong makausad sa semifinals ng 2019 Dew Tour World Skate Global Qualifier si California-based park skateboarder Allysha Le.

Ito ay matapos magtamo ang 22-year old Fil-Am ng right ankle injury bago ang semifinal ng kumpetisyon.

“She sprained her right ankle before the semifinals and may have hairline fracture and was unable to enter the semis but all things considered, it’s not too bad,” saad ng team manager ng pambansang koponan sa kumpetisyon na si Anthony Claravall.

Sunod na paghahandaan ni Le ang kanyang 30th Southeast Asian Games debut.
Ngunit dahil kulang sa pasilidad ang bansa upang makapag-ensayo ng maayos ay lalahok na lamang ang mga ito sa iba pang international park skate competitions.

Isa na dito ang park skate competition sa Hulyo na gaganapin sa Nanjing, China.