Abante Tonite Interactive

Alma inaming battered child

357

Isiniwalat ni Alma Concepcion na isa siyang battered child. Never niyang inamin noon in any of her past interviews. Produkto rin siya ng isang broken family dahil hiwalay ang kanyang parents.

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng alopecia areata, ang pagkalugas ng kanyang buhok at pagkakaroon ng mga round parts ng kanyang scalp. Tatlong taong gulang pa lamang noon si Alma nu’ng maka-witness ng madalas na pag-aaway ng kanyang mga magulang. Martir umano ang ina ni Alma na siyang umalis at nagtungo ng America.

Walong taon naman si Alma nang siya’y magkaroon ng sakit na epilepsy. Sixteen naman siya nang siya’y maging anorexic. Tulad ng marami, nagkaroon din siya ng anxiety attacks at dumanas ng depression sa edad 28.

Tuluyan lamang itong nagamot nu’ng siya’y 30 years old na.

Sa tindi ng pinagdaanan noon ni Alma, dumating umano sa point na gusto na niyang wakasan ang kanyang buhay. Pero labis niyang ipinagpapasalamat sa Diyos na inilagay siya sa tamang direksyon.

Hindi rin siyempre lingid sa kaalaman ng lahat ang kanyang pagkakakulong (ng 23 days) sa Guam, USA dahil sa droga.

1998 nung siya’y 21 and become a mother at 23. Pero kung meron mang napakagandang regalo na dumating sa kanyang buhay ay nu’ng isilang niya ang kanyang kaisa-isang anak na si Cobie kay Dodie Puno.

Si Cobie (19) ay nag-aaral ngayon ng Business Administration sa Fordham University sa New York, USA. Isa ito sa pinakamatandang unibersidad at prestigious sa Big Apple.

Aminado si Alma na lahat ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan ay nalagpasan niya. Nagbigay ito ng matinding lessons sa kanya para maging mas matatag and better person ngayon.

Samantala, 17 si Alma nang siya’y manalong Bb. Pilipinas-International 1994.

Kamakailan, kinoronahan naman siyang muli bilang kauna-unahang Ms. Grand Universe. (Aster Amoyo)