Abante Tonite Interactive

Alma may sariling negosyo na

735

Malaki ang pasasalamat ni Alma Concepcion kay Ms. Rhea Anicoche Tan, CEO at President ng Beautederm dahil may sarili na siyang store.

Bubuksan ngayong araw na ito, 4PM, ang Queen Alma By Beautederm na matatagpuan sa 59 Xavierville Ave., Loyola Heights, Quezon City.

Makikisaya at susuporta ang mga ambassadors ng Beautederm na sina Sylvia Sanchez, Gabby Concepcion, Ken Chan, Ejay Falcon, Jestoni Alarcon, Sherilyn Reyes-Tan, Pauline Mendoza, Maricel Morales, Alex Castro, Hashtag Ryle, Anne Feo,Shyr Valdez,Rochelle Barrameda, at Jimwell Stevens.

“All out support for our Alma Concepcion #WeareFamily #BeautédermFamily,” post ni Ms. Rei.

Ang layo na ng narating ng relasyon nila simula nu’ng 2011. Ang loyalty ni Alma ay may kapalit ngayong negosyo.

“Thank you for staying with me all these years! Thank you for everything! ” deklara pa ni Ms. Rei.

Solenn may tips para ‘di malosyang

Join sina Chynna Ortaleza at Solenn Heussaff sa usapang ‘motherhood’ ngayong Sabado sa “Sarap Di Ba?!”

Magbibigay sila ng tips kung paano mapanatili ang kagandahan at hindi magmukhang losyang kahit nanay na. Meron din silang ‘confession’ sa mga pinagdaanan nila sa pagbubuntis.

Makikisanib din sila kina Mavy at Cassy sa paghahanda ng yummy corn soup recipe na tinawag na “Suam na Mais”.

Huwag kaligtaan ang exciting bonding morning with family, food and fun sa “Sarap Di Ba?!”