Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alma Moreno stepson nilimas jewelry shop

0 232

Wanted ngayon ang anak ni dating Marawi Mayor Fahad “Pre” Salic, na naging mister ni Alma Moreno, matapos iturong isa sa apat na nagnakaw sa jewelry shop sa Marawi City.

Ayon kay Staff Sgt. Amador Rosales, ng Marawi City Police Station, postibong kinilala ni Noaim Mohammad Macaraya si Mahid Salic, anak ni dating Marawi Mayor Fahad Salic at naging stepson ng beteranang aktres, na isa sa mga tumutok ng baril sa kanya nang maganap ang panloloob sa kanyang tindahan ng alahas noong Enero 16 kasama ang tatlong iba pa. Wala umanong suot na mask si Mahid kaya natandaan ng biktima.

Pasado alas-12:00 ng tanghali ng nasabing petsa nang pasukin ng apat na armadong suspek ang Layi-Haya jewelry shop sa Barangay Sugod kung saan nilimas ng mga ito ang lahat ng alahas na nagkakahalagang P2.6 milyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nanlaban si Macaraya kaya nagtamo ito ng mga sugat at pasa sa katawan nang bugbugin ng mga suspek.

Tumakas ang mga suspek gamit ang gray Ford Everest. Narekober ang sasakyan alas-2:00 ng hapon sa residential compound sa Barangay Maranao Timber sa Ditsaan, Lanao del Sur.

Ang compound ay pag-aari ng tatay ng asawa ni Mahid Salic na si Rohanie Macalaba Comacasar.

Ang tatay ni Mahid na si ex-mayor Fahad ay naging asawa ni Alma. Kinasal sila noong 2009 ngunit naghiwalay din taong 2014. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.