Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alma nagbayad na ng kuryente

0 161

NI: VINIA VIVAR

Nagkaayos na si Alma Moreno at ang may-ari ng condo unit na inupahan niya sa Paranaque. Ito ang latest update sa programang Raffy Tulfo in Action last Tuesday.

Matatandaang June 2 nang iere ni Raffy ang reklamo ng may-ari ng condo unit na nangangalang Theresa Grenard na isang OFW (Overseas Filipino Worker) sa Dubai.

Ayon kay Theresa ay hindi nagbayad si Alma ng 5 buwang renta at MERALCO bill na nagkakahalaga ng P40,000.00 kaya naputulan daw ng kuryente ang unit.

Sa bagong episode ng RTIA ay ibinalita ni Theresa na right after the airing noong June 2 ay nakipag-communicate raw agad sa kanya ang kapatid ni Ness (Alma) na si Jette at nagsabing babayaran na ang utang sa MERALCO bill.

Tinupad naman daw ang pangako ng kapatid ni Alma at nabayaran na nga ang mahigit P40,000.00 na utang sa kuryente kaya ngayon ay nai-reconnect na raw ito.

Tungkol sa upa, ayon kay Theresa ay hindi na raw niya ito pinabayaran pa.

“Wala na po ‘yun, okay lang po ‘yun, wala pong problema,” sey ni Theresa.

Pinuri naman ni Raffy ang may-ari sa kabaitan dahil malaking pera rin daw ‘yung ilang buwang renta nina Alma na hindi na nito siningil.

“Ang bait naman ni Madam. ‘Yan nga sabi ng mga netizen, napakabait n’yo raw po. Napakabait n’yo talaga. Kasi tinabla niyo na, kung tutuusin malaking pera rin ‘yung nawala sa inyo.

“Eh kung sa iba n’yo pinarenta yun, na nagbabayad nang ayos, di laking pera, na-save n’yo sana ‘yun,” sabi ni Raffy.

Nagpasalamat naman ang owner kay Raffy sa mabilis na pagkakaresolba ng kanyang problema dahil sa programa nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.