Abante Tonite Interactive

Alma pasado sa ‘Private Lesson’

By
0 1,783

Pinatunayan ng dating Miss International-Philippines 1994 at aktres na si Alma Concepcion na hindi basehan ang edad para mapanatili na mukhang bata at sexy.

Sa kanyang latest photo posting sa Instagram wall ay nakasuot siya ng one piece bathing suit. Pinatunayan ni Alma na siya’y may asim pa sa edad nitong 43.

Maluluma ang mga baguhan at batambatang aktres ng showbiz kung ang pagbabasehan ay ang magandang hubog ng katawan ni Alma.

Kitang-kita naman sa kanyang pigura na puwede pa siyang makipagsabayan sa mga millennial female star.

Na-maintain ni Alma ang kanyang beauty queen form kahit na nga sinasabing roller-coaster ang estado ng kanyang katawan.

Sa mga comment sa kanyang Instagram wall, pinuri siya ng kanyang mga follower. Parang hindi tumanda, bagkus mas lalo pa itong naging sexy.

Sa alindog at kariktan nito, hindi palalagpasin ng mga bagets na hindi mapasakanila ang kagandahan na puwede na nilang matawag na tita sa edad, pero sa freshness ng pangangatawan ay maituturing nilang ‘syota material’.

Kung puwede nga lang ma-revive ang pelikulang “Private Lesson”, papasa dito si Alma.