Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alma tinakasan inupahang condo, pina-Tulfo

0 913

Ipina-Tulfo na ng may-ari ng inupahang condominium unit sa Parañaque si Alma Moreno matapos basta na lang layasan ang condo at hindi bayaran ang nagamit na kuryenteng umabot sa mahigit P40,000.

Sa June 3 episode ng programang “Wanted sa Radyo” ni Raffy Tulfo, kinuwento ni Theresa Grenard na makailang beses na siyang nakipag-ugnayan kay Moreno tungkol sa isyu subalit hindi na siya nito kinausap pa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni Theresa, hindi niya pinarerentahan ang condo niya dahil sa pandemya at pinagbigyan lang daw niya ang aktres na upahan ang unit dahil nagtatrabaho sa huli ang kanyang kapatid at isang buwan lang ang usapan nila na mula Agosto 25 hanggang Setyembre 25.

Sa umpisa ay wala raw naging problema hanggang sa malaman niyang umabot na sa limang buwan nang hindi nakapagbabayad ang aktres. Naputulan din daw ng kuryente at tubig ang condo niya.

Sabi ng may-ari, kahit hindi na raw bayaran ng aktres ang upa sa kanya basta’t bayaran nito ang kuryenteng ginamit nito sa condo. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.