Abante Tonite Interactive

Almadro aasa sa feng shui

298

‘Di nagpaunlak ng interview si Ateneo Lady Eagles coach Oliver Almadro tapos sumadsad ang Lady Eagles sa Game 1 ng UAAP 81 women’s indoor volleyball tournament finals nitong Sabado kontra Sto. Tomas Golden Tigresses.

Ang dahilan, pungsoy!

“Next time na,” pasintabi ni Almadro sa mga kumokober na media pagkaraan ng naturang laban sa best of three series.

“Naniniwala ako sa feng shui. Nung hindi niyo kasi ako kinausap, nanalo kami.”

Magugunitang tumanggi rin noon si Almadro na magbigay-pahayag sa kanilang pagkatalo kontra FEU Lady Tamaraws sa Game 1 ng semifinals bago nito matuka ang koponan noong isang linggo sa isang do or die match tungo sa Finals.

Hindi man nagsalita, dasal ni Almadro at ng Ateneo na makahirit sa Game 2 bukas at sagarin ang serye sa Game 3 sa Sabado.

“Pray for us na may Game 3. Sana may Game 3. Mas maganda kung may Game 3,” panapos ni Almadro. (Myris Lee)