Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Almazan ayaw ni Black madaliin

0 203

Ayaw puwersahin ni Norman Black si Raymond Almazan, mas gusto ng Meralco coach na hintaying fully recovered ang kanyang 6-foot-9 center/forward bago isalang sa Philippine Cup restart sa Clark bubble.

Nasa AUF gym na si Almazan noong Lunes, naka-uniform pero hindi naglaro. Pinanood lang niya ang 116-98 loss ng Bolts sa Phoenix.

Inoperahan ang knee injury ni Almazan na nakuha noong Governors Cup Finals kontra Ginebra.

“He joined us in the bubble one week ago, so today is only his sixth day of practice with us in the last seven months,” paliwanag ni Black Martes sa bisperas ng pakikihamok ng Bolts sa kapwa-galing talo ring Alaska.

SM food to go Banner Ad

“But he’s cleared and he could play.”

Kuwestiyonable pa si Almazan kontra Aces ngayon, pero hindi isinasara ni Black ang posibilidad na maglaro ang 31-year-old.

“It will be soon,” paniniguro ni Black. “It could be (today), it could be Sunday against Ginebra. But it will be soon.”

Sa kabila ng pagkawala ni Almazan, nakaungos pa rin ang Bolts sa rebounding department 55-52 mula sa 10 boards ni Reymar Jose, gayundin sa points in the paint (34-28). Pinatay lang sila ng 3-point shooting ng Fuel Masters na 17 for 39 sa long range kumpara sa 6 for 24. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.