Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Almazan, Bolts hinahasa utak

0 254

Mahalaga ang unang isang linggo ng teams sa Pampanga para masukat ang kahandaan sa muling pagbabalik sa court.

“This coming one week, crucial sa amin,” ani Meralco big man Raymond Almazan sa The Game ng One Sports Huwebes ng gabi. “Paano ‘yung conditioning namin, at the same time, meron pa ba kaming nalimutan na sistema na dapat i-recall?”

Sa Sept. 1 ang target na maipagpatuloy ang mga laro ng 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor.

Mula nang suspendihin ni commissioner Willie Marcial ang mga laro sa Ynares Sports Arena-Pasig noong Aug. 4, hanggang online workouts na lang ulit ang mga player.

SM food to go Banner Ad

Noong Lunes, kanya-kanyang biyahe sa Pampanga ang mga team para maghanda.

Binigyan ang 12 squad ng pitong araw para magpagpag ng mga kalawang.

Bago ang break, naka-back-to-back wins ang Bolts tungo sa 4-1 card overall, sapat para sa No. 3 sa team standings.

“Siguro ‘yung one week more on mental and physical saka ‘yung recovery ng body namin,” panapos na pahayag ni Almazan. “Kung sino makaka-adapt ng sistemang ganu’n, sa tingin ko malaki ang advantage.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.