Abante Tonite Interactive

Almazan, Lawal bagong doble-tore ng Meralco

440

May twin towers na agad ang Meralco sa parating na PBA Commissioner’s Cup, magtatambalan sa gitna ang bagong dating na si Raymond Almazan at si import Gani Lawal, ang 6-foot-9 Nigerian-American na produkto ng Georgia Tech.

Sa May 19 na sisiklab ang midseason conference.

Pinangunahan ni dating Best Import Prince Onuaku, tumapos ng fourth ang Bolts sa nakaraang edisyon ng parehong torneo pero winalis ng No. 5 Ginebra sa best-of-three quarterfinals.

Sa Philippine Cup inaasahan ni coach Norman Black na makakagawa ng malaking impact si Almazan. Sa huling tatlong seasons, hindi lumagpas ng elimination round ng import-less tournament ang Bolts.

“We’ve gone quite a few years now without being able to man the paint, particularly in the all-Filipino,” punto ni Black.

Dati ay kina Reynel Hugnatan, Cliff Hodge at Ranidel de Ocampo iniaasa ng Bolts ang paint, pare-pareho pang natural forwards ang tatlo. Hindi makuha ni Jason Ballesteros ang ritmo, bihira ding magamit sina Bryan Faundo at Jammer Jamito. Si Gabby Espinas na nahugot noong isang season, hindi pa naglalaro ngayong taon. (Vladi Eduarte)