Abante Tonite Interactive

Almazan nabalian ng Tuhod

667

Diniretso na ng ospital si Raymond Almazan bago ang second half ng Game 3 ng PBA Governors Cup Finals kagabi.

Tumagal lang ng 6:05 ang gabi ni Almazan, sa 5:55 mark ng first quarter bago napasama ang bagsak.

Pa-layup ang Meralco center, paglanding ay mukhang may natapakang paa.

Bagsak si Almazan sa ilalim ng basket, sapo agad ang kaliwang tuhod. Ilang minuto sin siyang nanatiling nakatiklop bago binuhat palabas ng court papunta sa dugout.

“’Pag inuunat ko ‘yun kanan, maayos naman. Pero ‘pag ‘yun kaliwa masakit,” ani Almazan, halata sa boses ang sakit. “Parang may lumagutok.”

Bago bumalik mula sa break, lumabas ng locker room sa Smart Araneta Coliseum ang 6-foot-7 slotman. Nailalakad na ang paa bagama’t alalay pa rin.

Mula Big Dome, idiniretso na sa ospital si Almazan para makumpirma ang inabot.

May 2 points at 2 rebounds kontra isang turnover si Almazan. (VE)