Abante Tonite Interactive

Almazan nag-ala Kim Chiu

0 529

KUNG may patok na mga linya ang aktres na si Kim Chiu sa sikat na sikat ngayong “Law of Classroom”, hindi nagpahuli ang Meralco Bolts center na si Raymond Almazan.

Bilang paraan ng pang-alis bagot dahil pa rin sa pinapairal na Enhanced Community Quarantine sa buong Metro Manila, ginaya ni Almazan ang mga linya ni Kim pero paglilinaw niya, katuwaan lang.

“Sa basketball may batas! Pag sinabi ni coach na ilalabas ka na, ilalabas kana. Pero pag sinabi, at comply ka at tinira mo padin yong bola, Ayy pwede kana pala talaga ilabas #katuwaanlang,” ayon sa Instagram post ni Almazan.

Wala pa ring aksiyon sa PBA mula nang kanselahin ang mga laro noong Marso 11 dahil sa epektong dulot ng coronaviruis.

Sumikat naman ang mga linya ni Kim Chiu bilang reaksiyon sa pagpapatigil-operasyon ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN.

“Sa classroom may batas, bawal lumabas. Oh bawal lumabas. Pero ‘pag nag-comply ka na bawal lumabas. Pero may sinabi ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yung law ng classroom nyo at sinubmit mo ulit ay pwede nap ala ikaw lumabas,” sabi ni Chiu sa kanyang video message kamakailan. (Ferdz Delos Santos)

Tonite – Wendys Inhouse Ad