Abante Tonite Interactive

Almazan pinagpalit ng RoS sa 2-pick ng Bolts

430

Itatapon na ng Rain or Shine Elasto Painters ang isa mga big man na si Raymond Almazan sa Meralco.

Sa ulat ng sports website na Spin.ph, ayon sa sources nito, nagpasya ang may-ari ng Elasto Painters na sina Raymond Yu at Terry Que na binatawan na si Almazan kapalit ng pares ng future first-round draft picks ng Bolts.

“Ang kapalit is yung first-rounder sa next draft at yung isa pa sa one draft after. So it’s two first-rounders in the next three years. Pero depende pa rin sa approval yun,” wika ng isa sa mga impormante.

Nasumite na ng trade sa Office of the Commissioner sa Bagumbayan, Libis, QC nitong Biyernes at hanggang ngayon ay hinihintay na lang na maaprubahan.

Sa Martes sisimulan ni Commissioner Willie Marcial at kanyang trade committee ang pag-uusap sa swap. ­(Fergus Josue, Jr.)