Abante Tonite Interactive

Almazan selyado na sa Meralco

367

Sa Meralco na si Raymond Almazan.

Martes ay inap­ru­bahan ni PBA commissioner Willie Marcial ang trade na magdadala kay Almazan sa Bolts mula sa Rain or Shine, kapalit ang future first round picks ngayong 2019 at sa 2021.

Ilang buwan na ring lumulutang ang senaryo na iti-trade ng Elasto Painters ang 6-foot-8 center/forward. Third pick overall ng RoS si Almazan, 29, mula Letran noong 2013 sa likod nina Greg Slaughter ng Ginebra at Ian Sangalang ng Magnolia.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga tagasubaybay ng PBA na nagkaroon ng tampuhan sina Almazan at coach Caloy Garcia noong nakaraang season.

Ilang laro pang nawala ang dating NCAA MVP na makailang ulit ding naging miyembro ng Gilas Pilipinas.

Nawala noon si Almazan, walang naging komunikasyon sa team pero bumalik din at naplantsa ang gusot.

Binagabag siya ng injury sa paa bago natapos ang nakaraang season, at ganu’ng injury ulit sa Philippine Cup kaya anim na laro lang sumalang at nag-average ng 8.0 points, 6.0 rebounds. (Vladi Eduarte)