Abante Tonite Interactive

Almost perfect game – Victolero Takot ako, gutom sila – Austria

By
1,368

Game 1 ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
7:00 p.m. – SMB vs Magnolia

Sa tatlong sunod na taon, nasa semifinals ng PBA Philippine Cup ang Magnolia Pambansang Manok Hotshots, pero hindi mailaktaw ang paa at hanggang doon lang lagi.

Sa pang-apat na subok, nakatawid sa Finals ang Hotshots nang kalusin ang NLEX 4-2 sa final four.

Mamayang gabi (alas-7:00) sa Smart Araneta Coliseum, sasabak sa mas matinding giyera ang Magnolia kontra three-time defending champion San Miguel Beer sa umpisa ng best-of-seven championship series.

Para kay Hotshots coach Chito Victolero, kulang pa ang chemistry nila noong nakaraang season pero tiwala siyang suwabe na ngayon. Aminado siyang mahirap labanan ang team ni Leo Austria, pero hahanapin nila ang kahinaan ng Beermen.

“We’re ready,” deklarasyon ni Victolero. “Kailangan almost perfect game to beat the defending champions.”
Sa iisang pagtatagpo sa eliminations noong Feb. 4, nagpukpukan ang dalawang teams bago naitakas ng Magnolia ang manipis na 77-76 win sa Ynares Center sa Antipolo.

Nakikita ni Victolero na mas mahaba ang series, mas mabibigyan sila ng pagkakataon.

“Sana umabot ng games 6 o 7, baka may chance kami,” aniya.

Si Austria, aligaga dahil gutom sa titulo ang Magnolia na huling nakarating sa Finals noong 2014 pa, ang kanilang grand slam year.

“After the eliminations, both teams ended with similar 8-3 cards,” puna ni Austria. “Gutom sila (sa championship), ‘yun ang isa sa kinatatakutan ko.” (Vladi Eduarte)