Alok ni Martin kay Pops: Just call me, I will pack for you

1,633

Na-enjoy namin ang “Twogether Again” reunion concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera na napanood namin ang 4th night sa The Theatre at Solaire nu’ng Martes.

Iba talaga ang Pops-Martin tandem at napatunayan nilang hindi pa rin nawawala ang kanilang magic together.

Gabi-gabi ay puno ang concert series nila sa Solaire at meron pang repeat audience dahil sobrang natutuwa sa show nila.

Para silang nag-mini-residency sa Solaire sa 7-night show nila na ‘yon. In fairness ay mukhang puwede nila itong gawin nang mas mahaba dahil may audience talaga ang original Concert King & Queen.

Super-aliw ang banter ng ex-couple at ang saya nu’ng nagagawa na nila ngayong biro ‘yung mga pinagdaanan nila before.

Sey ng dalawa, it’s the longest they ever spent together since the breakup. At hindi pa raw sila nag-aaway, okey na okey daw sila.

Ani Martin, they get along better on stage than in the house.

Segunda ni Pops, “That’s the truth. Even when we were together, we would fight, fight, fight. The minute we get up on stage, okey na po kami.

“Tapos, lahat ng sama ng loob ni Martin, nilalabas niya sa stage. Puwede naman akong kausapin sa bahay, ‘di ba?” pambubuking pa nito sa dating asawa.

Ang room daw ni Pops doon sa Solaire ay nasa ibabaw ng room ni Martin.

“So, on Valentine’s night, you slept on top. You were on top. It’s been a long time,” pilyong hirit ni Martin.

“I was on top,” nakangiting sakay naman ni Pipay.

Kuwento pa ni Pops, ang nami-miss niya raw talaga kay Martin ay ang ‘packing’ nito. Magaling daw kasi itong mag-pack.

“I miss your packing,” ani Pops.

Dati raw kasi nu’ng mag-asawa pa sila ay napaka-spoiled niya. ‘Pag nagta-travel daw sila, ang OC na si Martin ang nagpa-pack ng gamit niya habang natutulog siya.

“So, automatic po ‘yon. Hihiga lang po ako. Paggising ko, aalis na kami. Naka-pack na lahat ng gamit ko.”

Pagsang-ayon ni Mart, “That’s right. While she sleeps, I pack”.

“True ‘yan. You were such a great packer!” bulalas ni Pops.

“I’m a motherpacker!” reak ni Martin.

“That’s so true. You got that right. You are such a motherpacker!” pag-agree ni Pipay.

“It’s true!” ani Martin.

Dayalog ulit ni Pops, “You know what? He is so good at it and he got excited. I kept saying, ‘Well Mart, you pack so well!’

“He got so excited. He packed here, he packed there, he packed everywhere!”

Tawanan ang audience sa Solaire.

“Sumobra naman yata ang pagka-motherpacker niya. Grabe, nagulat talaga ako. Kung saan-saan na siya nagpa-pack,” hirit pa ni Pipay na double meaning kaya laugh ulit ang crowd.

Offer ni Martin, kung kailangan daw ni Pops ng tulong niya, “Just call me, I will pack for you. My room is below you, remember?”

Kinantiyawan naman nito na hindi raw marunong magluto ang dating asawa, pero nang maghiwalay daw sila ay naging great cook si Pops.

“Yes, I wanted to better myself. That’s how it is,” sagot ng Concert Queen.

“You wanted to better yourself and I’m no longer there?” reaksyon ng Concert King.

“Had you waited long enough for me, I would’ve been there cooking for you. You motherpacker you!” ang nakakatawang buwelta ni Pipay sa dating mister.

Sample lang ‘yon ng funny banter ng dating magdyowa, na sobrang benta sa audience kaya ang saya ng ambience lalo na’t hindi nauubusan ng mga patawa ang malokong si Martin.

Pramis, nakaka-happy panoorin muli na magkasama onstage sina Pops & Martin, so don’t miss “Twogether Again” na hanggang bukas pa sa The Theater at Solaire.

***

Ang cutie pie son ni Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso ang guest nina Pops at Martin nu’ng gabing manood kami.

Energetic ang song and dance number ni Joaquin na nagra-rap ito. Bukod sa ang pogi ay ang galing sumayaw ng bagets.

At ang lakas ng stage presence ni JD. Confident na rin ito dahil sa regular exposure nito sa Sunday musical show ng isang network.

Bale 2 nights na guest si Joaquin at nakasabay naming manood ang fadir nito na si Yorme Isko, kasama ang misis nito at isang younger brother ni JD.

Later on ay umupo sa may harap namin si Joaquin at super dance ito sa upbeat songs ni Pops.

In fairness ay may fans na pala ang bagets at bumili ang mga ito ng tickets sa concert, ha? Tarayy ni Baby Yorme!

PAK!!

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...