Abante Tonite Interactive

Alona, Bellevue resort ikinandado sa tax evasion

0 131

Isinara ng Bureau of Internal Revenue-Central Visayas (BIR-7) ang Alona Kew White Beach Resort sa Brgy. Tawala at Bellevue Resort sa Brgy. Doljo, Martes nang umaga dahil sa kasong tax evasion.

Bagama’t hindi binanggit ng ahensiya ang eksaktong halaga na kaila­ngang bayaran ng dalawang kompanya ay sapat umano ito para ipasara ang kanilang negosyo.

Hindi rin umano sumagot ang dalawang kompanya sa ibinigay na dalawang araw na notice of violation at compliance para magpaliwanag kaya tuluyan itong isinara.

Ang Bellevue ay pinatatakbo ng Belle South Pacific Properties Inc. habang ang Alona Resort ay pagmamay-ari umano ni Eteria Evelyn Flores, na bukod sa resort ay isinara din ang dalawa pa nitong negosyo na Eteria Restaurant at EE Rent a Car.

Sa ulat, naglabas ang Alona Resort ng kanilang pahayag at inamin na nagkaroon ng lapses sa pagbabayad nito ng tax, habang ang Bellevue Resort naman ay nagbayad na umano ng kanilang kakulangan sa BIR.