Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alonzo boboykotin

0 146

May online larawan si bagong Kapuso acquisition Bea Alonzo na may mababasang pahayag na ganito: “Tatalon ako sa bagong yugto ng buhay ko…and sana, sana kasama ko pa rin kayo pero kung hindi at magtatampo kayo sa akin, maiintindihan ko.”

Maaring napagtanto na ni Philberty Angelie na may sangrekwa siyang fans na bumagsak ang panga at nagdabog ang bangs dahil nga 19 years inilagaan at naging estrella bilang this generation’s movie queen sa dating network na hindi nabigyan ng prangkisa.

Hindi lang naghihinampo kundi gigil na gigil ang kanyang mga tagasubaybay na hindi nagawang hintayin ni Alonzo ang pagbabalik ng ABS-CBN.

Sabi-sabi mula sa pangkat katkatera, ang mga disgruntled fan at supporter ni Bea, ikakasa ang pangmalakasang boykot sa kanilang iniidolo dati dahil sa ginawa nitong paglayas sa ABS-CBN.

Ang taray ng mga Beanatic, may pagbabanta at paninindak. Lume-level sa mga AlDub Nation fantard, huh! Tignan na lang natin kung magiging matagumpay ang maiitim niyong binabalak.

Ngayong Kapuso na si Bea, sana naman tunay na mag-level up ang artistic at creative teams ng Siyete .Alam na natin na sanay si Alonzo sa mga proyektong matataas ang artistic at creative kalidad.’Yung bongga ang production values at huli ka sa kangkungan kung hindi mo pinapanood.

The last primetime drama hit on TV ng mga taga-Timog na ikinagulantang at yinakap ay ang “My Husband’s Lover” na eight years ago pa. With Bea Alonzo bilang the newly minted Kapuso premiere actress, ito na ang hudyat na meron na naman silang bagong TV hit na mangwawasak sa lahat.

SB19 , Ben&Ben winner ang collab

Habang tinitipa ko ang aking pitak, ang music video collaboration ng SB19 at Ben&Ben na “Mapa” ay may more than 2.1 million views na . Tatlong araw pa lang itong nasa YouTube at grabe ang appreciation nito sa mga music streaming sites. 24 hours after itong na-release, nag-top agad ang kanta sa ITune charts sa atin, Qatar at UAE.

Sa local at international music video reactors, majority ay positibo ang commentar para sa dalawang pinakamalaking Filipino music groups sa kasalukuyan.

Para sa Ben&Ben lead vocalist Paolo Benjamin Guico, artistic soulmates nila ang SB19 kaya naging matagumpay ang kanilang musical partnership.

Kay Pablo Nase naman ang musical composer at isa sa SB19 leads, dream come true para sa kanilang grupo ang artistic collaboration nila with Ben&Ben na kanilang hinihangaan.

Hindi masyadong halata ang mutual admiration club na pinagsasaluhan ng Ben&Ben at SB19 kaya epic ang outcome eh,

Ang mas epic para sa diva that you love, ang magandang Manila Metropolitan Theater na location of the music video at ang mala-Cruella de Ville hairdo ni Pablo, iba rin!

Leave A Reply

Your email address will not be published.