Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alonzo seryoso kay Roque

0 75

Halatang masayang-masaya si Bea Alonzo ngayon at kitang-kita naman ito sa kanyang aura.

Siyempre, isa sa itinuturing na dahilan sa nagpapangiti ngayon sa aktres ay ang kanyang relationship with Dominic Roque lalo pa nga’t hindi na nila ito itinatago.

Ayon sa aktres, she’s hoping na si Dominic na ang “the one.”

“After yata ng mga pinagdaan natin sa buhay. I won’t take it lightly. Siyempre, no, di ba, parang hindi ako papasok sa isang relasyon kung hindi seryoso, so sana. Sana,” sey ni Bea sa latest interview sa 24 Oras.

At dahil nga sa mga nangyari na rin sa kanyang buhay pag-ibig in the past, may dala-dala nang lessons in life ang aktres sa kanyang bagong relasyon.

“Since before I entered this relationhip, I was very, very careful. But siguro ngayon, I will never forget to love myself,” she said.

At sa tanong kung kailan ba talaga siya lalagay sa tahimik, sey ni Bea, “naniniwala ako kasi na kanya-kanya tayo ng timeline. So, sa ngayon, parang it’s too early to tell kung kelan or alam mo ‘yun. Parang feeling ko, I want to take it one day at a time. Parang feeling ko ngayon, I’m still enjoying this stage.”

@@@

Jackie rumampa sa pandemya

Bagama’t nawawala sa limelight ngayon ang Kapuso actress na si Jackie Rice, aktibo naman siya sa social media .Dito niya ina-update ang kanyang mga tagahanga ng latest happenings sa kanya.

And in fairness, busog na busog naman ang kanyang mga fan sa kanyang sexy photos na ipino-post every now and then. Base sa kanyang mga post ay tila abala si Jackie sa paglilibot sa buong Pilipinas habang pandemic.

Nitong nakaraang Marso ay nasa Boracay siya, noong Abril naman ay nasa Siargao, Sorsogon noong Mayo, Ilocos Sur last July at base sa kanyang latest post ngayong Setyembre ay nasa Bantayan, Cebu naman siya.

Dahil laging solo lang siya sa mga larawang ipino-post, we wonder kung may kasamang special someone si Jackie sa kanyang mga trips. Huling balita sa kanya last March ay split na siya sa kanyang pandemic boyfriend.

Matatandaang itinanghal si Jackie na Ultimate Female Survivor sa third season ng GMA reality artista search na StarStruck noong 2006. Huli siyang napanood sa teleseryeng Beautiful Justice noong 2019.

Leave A Reply

Your email address will not be published.