Abante Tonite Interactive

Alpabeto sa panaginip

925

Napanaginip kong nasa harap ko ang isang bowl ng sopas. Pero pagtingin ko sa sopas ay mga letra ang laman nito. Iyong parang kinakain ng mga bata na alphabet soup. Ano po ang ibig sabihin ng ganitong panaginip?

Mary Ann

Ang alpabeto sa panaginip ay kadalasang indikasyon ng mga aral na natututuhan mo sa buhay. Sa alpabeto tayo nagsimulang matuto noong ating kabataan. Sa panaginip ay ganito rin ang sinisimbolo nito: nadagdag na kaalaman.

Alamin kung saan mo ito higit na maikokonek sa mga pangyayari sa iyong buhay. Halimbawa, ngayong nasa gitna tayo ng mga isyu sa coronavirus, maaaring ang iyong panaginip ay indikasyon na maraming kaalaman ang araw-araw mong nakukuha. Ang mga kaalamang ito ay mula sa nababasa mo na karanasan ng iba, mga impormasyong teknikal na naglalabasan sa social media o maaring kaalaman sa pansarili mong interes.

Related Posts

Ang bawat letra sa alpabeto ay meron ding kanya-kanyang sinisimbolo. Kung sa mga letrang iyong nakita ay merong isang letra na mas napag-ukulan ng iyong pansin o mas natandaan mo higit sa lahat, dito mo rin puwedeng kunin ang interpretasyon ng iyong panaginip. Kung may isang letra halimbawa ay “J” ay puwede mong tanungin kung ano ang puwedeng koneksyon ng letrang ito sa buhay mo. Puwedeng ito ay pangyayari at puwede ring isang kaibigan o mahal sa buhay na ang inisyal ay letrang J.

Sa kabuuan, walang negatibo sa iyong panaginip sa halip ay positibo ito dahil mensahe itong marami ka pang natututunan sa buhay.

Dream Catcher
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.

Tonite – Wendys Inhouse Ad