Abante Tonite Interactive

Altapresyon, ‘silent killer’

By
526

Hindi na kaila sa atin na isa sa pangunahing sakit ng tao ay ang altapresyon.

Ang altapresyon o ‘ika nga ng iba ay ‘high blood’ ay ang madalas na pagtaas ng presyon ng dugo ­higit sa 140/90.

Sa pag-aaral ay lumitaw na kapag umaabot na sa edad-60 ang isang tao ay madali na itong dapuan ng altapresyon. Katunayan, isa sa bawat 4 na Filipino ay may high blood pressure na.

Ilan sa sanhi ng high blood pressure ay ang mga sumusunod:

May katandaan na ang edad

Mahilig sa maalat

Malakas manigarilyo

Obese o sobrang bigat ng timbang

Palainom ng alak

Kulang sa ehersisyo

Laging nai-stress

Diabetic

Mga umiinom ng birth control pills

Nasa lahi o namamana

Upang maiwasan ang sakit na ito ay umiwas sa pagkain ng maaalat gaya ng hamon, mga de-lata, masarsa gayundin ang instant noodles at iba pang junk food. Limitahan ang pag-inom ng alak o paniniga­rilyo. Tamang pag-eehersisyo, diet at pahinga.