Abante Tonite Interactive

Altas kampeon sa NCAA chess

169

Kinubra ng mga woodpusher ng University of Perpetual Help System Dalta ang kauna-unahang kampeonato sa 95th NCAA chess tournament kontra Arellano University Sabado sa San Beda University campus sa Mendiola, San Miguel, Manila.

Nakuha ng Altas ang 3.5-.5 victory tapos ng third-place finish sa eight-round eliminations, pinatid ang 34-taong pagkauhaw sa kampeonato buhat ng sumali ang Perpetual sa collegiate league noong 1985.

‘Di naging madali para sa Altas ang daan tungong titulo, kinailangang talunin nang dalawang dikit ang San Beda na hawak ang twice-to-beat advantage.

“Pinaghandaan po talaga namin ito, since we ended up fourth last Season 94. Marami kaming sinalihang pre-season tournament and malaking tulong sa amin yun”, ayon kay tournament MVP at Board 4 John Marx Anastacio, na nakakopo ng apat na gold medal.

Ang top board na si Genesis Borromeo ang naging pandiin ng Perpetual, inungusan si Joshua Arias ng Arellano via Bogo Indian Defense sa kanilang utakan na umabot sa halos tatlong oras.

Panalo din para sa UPHSD sina Board 2 Carl Zirex Sato at Board 4 John Marzx Anastacio.

Ang iba pang nakasungkit ng gold ay sina Daryl Samantila ng College of St. Benilde; Marc Christian Nazario Board 2 ng Beda; Board 3 John Fleer Donguines ng CSB; Louigi Beñas ng AU, at Board 6 Joshua Marquez ng Lyceum of the Philippines University.

Si IM Roel Abelgas naman ang pinangalanang Coach of the Year. (Ray Mark Patriarca)

16 NCAA chess caption:

Ang mga bumubuo sa University of Perpetual Help System DALTA chess team sa pangunguna ni International Master coach Roel Abelgas na dinaig ang host Arellano University sa finals upang magkampeon sa 95th NCAA chess tournament 2019 sa San Beda University campus sa Mendiola, San Miguel, Manila.