Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Altas may bagong coach

0 150

Opisyal na tinalaga si Mike Saguiguit bilang bagong coach of University of Perpetual Help System Dalta Martes ng gabi bilang kapalit ni Francisco Lim na nagbitiw ilang buwan na ang nakalilipas.

Ipinabatid ang bagay ni UPHSD athletics liaison officer Anton Tamayo sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) board.

“He’s now the coach starting December 1,” anang opisyal kay Saguiguit, na hahawak sa tertiary at secondary program ng Las Piñas-based dribblers.

Ang isa sa assistant ng 46-anyos na si Saguiguit sa Altas na si Joph Cleofas na ang magmamando naman na sa high school cage team. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.