Abante Tonite Interactive

Alvarez bobomba sa Power Hitters

196

2019 PSL All Filipino Conference Team Preview

Tangan ang bronze medal finish nito lang Mayo sa season-opening Grand Prix Conference, handa na sa paluan ang PLDT Home Fibr Power Hitters sa 7th Philippine Superliga All-Filipino Conference na magbubukas na sa Sabado.

Susubukan ng mga bata ni coach Rogelio ‘Ro-ger’ Gorayeb na maulit ang magandang kampanya sa Grand Prix sa midseason tourney sa pagbandera sa core nito at baguhin ang 6th place finish sa 5th edition nitong 2018.

Mangunguna para sa Power Hitters si ‘Lady Beast’ Gretchel Soltones kasama sina Ma. Shola Alvarez, Jasmine Nabor, Jorelle Singh, at Aiko Urdas.

Muling masasaksihan sa court ang ilang stalwarts ng Far Eastern University na sina Jerilli Malabanan, Gel Cayuna at Czarina Carandang at dagdag din sa tropa si Gen Casugod, na tumalon mula Foton.

Kakapitan din ng PLDT sa opensa at depensa sina Sasa Devanadera, Lizlee Pantone, Laurence Latigay, Joyce Sta. Maria at Alyssa Eroa. (Fergus Josue, Jr.)