Abante Tonite Interactive

Alvarez dinedma ang bantang kudeta

By
2,613

Binalewala House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez ang mga ugong-ugong na may mga kumikilos para mapatalsik siya bilang pinuno ng Kamara.

Kumpiyansa si Alvarez na patuloy ang suporta sa kanya ng mga miyembro ng mayorya.

“I still have the support of the members of the super majority coalition in the House of Representatives. Nothing has changed,” pagtiyak ni Alvarez sa panayam ng media.

Abante Hiring – IT dep

Ito’y matapos na lumutang muli ang report na papalitan siya ni da­ting pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Unang lumabas ang balitang ito noong nakaraang taon pero nabuhay nang magkaroon siya ng alitan kay presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.
Itinanggi rin ni Alvarez na may mga pag-uusap hinggil sa isyu na ito.

“There is no such thing,” ani Alvarez.

Nilinaw ni Alvarez na hindi naman niya inambisyon na maging speaker kaya ano mang oras ay nakahanda siyang mag-alsa balutan bilang pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“I never aspire for this position, so anytime I can let it go,” sabi ni Alvarez.