Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alvarez nag-iikot para ituro sino iboboto sa 2022

0 139

Abala ngayon sa pag-iikot sa bansa si dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez para turuan aniya ang mga botante na maihalal sa darating na eleksyon sa 2022 ang tamang pangulo na kayang saluhin ang maiiwang problema ng kasalukuyang administrasyon.

Sa panayam sa “Balitaan at Kumustahan” ni Jon Ibanez sa Politiko Live, sinabi ni Alvarez na hindi naman niya sinasabi na palpak ang administrasyon ng kanyang dating sinusuportahan at kaalyado na si Pangulong Rodrigo Duterte, bagkus ay bumagsak ang ekonomiya, marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19.

“Nababahala ako sa pagpili sa susunod na pinuno dapat kaya niyang i-handle at bigyan ng solusyon ang napakabigat na problema ngayon ng bansa. Bagsak ang ekonomiya. Ang GDP [gross domestic product] bagsak din, maraming negosyo ang nagsara at marami ang nawalan ng trabaho, ang dami ng nagugutom. Kaya’t dapat hindi magkamali sa pagpili ng pangulo,” sabi ni Alvarez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nilinaw ni Alvarez na walang politika at voter’s education lang ang gagawin niya dahil walang sisiraan o dadalhing politiko.

Pero nang tanunging kung tatakbo pa ba siya, sinabi ni Alvarez na pinag-iisipan pa kung kakandidato siya bilang congressman uli o alkalde.

Inamin din ni Alvarsz na hindi pa sila nagkakausap ni Pangulong Duterte mula nang maalis siya bilang Speaker. Subalit naka-move on na umano siya sa nasabing isyu.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.