Abante Tonite Interactive

Alvarez panel walang oras sa ABS-CBN

566

Inamin ng isang opisyal ng House Committee on Legislative Franchises na wala silang panahon para talakayin ang pagpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN bagama’t malapit na itong mapaso sa Marso 2020.

Ayon kay Isabela Rep. Antonio ‘Tonypet’ Albano, vice chairman ng komite na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz Alvarez, maraming iba pang importanteng bagay ang pinagkakaabalahan ng mga kongresista nitong mga nakalipas na ilang buwan katulad ng pagsabog ng Bulkang Taal kaya hindi sila nagkaroon ng oras para upuan kung kailan itatakda ang pagtalakay sa prangkisa ng ABS-CBN.

“Hindi ganoon kadali mag-schedule ng hearing. Ang daming nangyayari in the past few months,” ani Albano.

Samantala, muling ipinahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo nitong Miyerkoles na hindi pini-pressure ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso hinggil sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi pa nito na ang Kongreso lang ang may eksklusibong kapangyarihan para magbigay o ikansela ang isang prangkisa. (JC Cahinhinan/Aileen Taliping/Prince Golez)