Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alvarez, Sangalang palaban

0 172

Naging kapana-panabik at madrama ang “The Apprentice: One Championship Edition” sa nakalipas na linggo sa pagbisita nina mixed martial arts legends Georges St-Pierre ng Canada at Renzo Gracie ng Brazil na mga napasubo sa physical challenge.

Inere ang episode sa Asia sa AXN at local free-to-air platforms.

Masisilayan naman ng fans sa week episode 3 si reigning One women’s atomweight world champion Canadian Angela Lee sa TV screens, pero hindi siya babahagi sa physical challenge.

Susuporta lang siya sa mga kandidato na mampapasabak naman sa isang pambihirang pagsubok.

Kabilang dito ang mga palabang sina Lara Pearl Alvarez at Louie Sangalang na mga bet ng ‘Pinas. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.