Abante Tonite Interactive

Alwin Ignacio: Nadine, good KARMA sa mga bitter-bitteran`

13

SA nagmamadaling talk show na Tonight With Boy Abunda, ipinagtanggol ni Nadine Lustre ang kanyang boyfriend na si James Reid tungkol sa isyung PLAYBOY ito.

Kasi, itong si Reid, may bidyo na lumabas sa social media na may kasamang mga hitad na babaita inside a car.

Nadine Lustre
Nadine Lustre

Nag-one plus one equals two ang mga katkatera at tsismosa. ‘Yung mga eksaherada ang imahinasyon at may chance na favorite libangan ay porno, were tickled pink sa thought of a gang bang moment or an orgy inside the vehicle.

Hay, naku!

Too much porn can make people vapid.

Ang say ni Nadine tungkol dito, “Hindi naman playboy. ‘Yung mga nandoon naman po sa video, kilala ko naman po kung sino ‘yung nandoon sa car.”

Buo ang tiwala ni Lustre sa kanyang Papa James.

At sa mga bitter-bitteran at halos mamatay sa inggit na sila ni James ay in a relationship, ang very well said na pahayag ni Nadine, “If ayaw nila maniwala, it’s up to them. Basta ang importante po, me and James, we know what’s real and we know the truth.

“That’s what’s important.”

Kung ako kay Lustre ang sasabihin ko sa mga bitter-bitteran, “Hating me won’t make you prettier, right? Ako na ang girlfriend ni James, so bitches, just drop dead or hibernate in Siberia for all I care.

“You are so not kawalan!”

Kaso, Nadine Lustre is a prim and proper miss kaya good karma si girl.

Para sa diva that you love, siya ang next in line movie queen.