Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alwyn, Jennica ‘hiwalay’ na

0 941

NI: ARCHIE LIAO

Naiintrigang hiwalay na ang showbiz couple na sina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

Malaking palaisipan kasi na Garcia na lang at walang Uytingco sa kanyang Facebook page

Bukod dito, marami rin ang nakapansin na hindi na ito naka-follow kay Alwyn Uytingco.

Marami rin sa mga larawan nila ng asawang si Alwyn ang hindi na makita sa Instagram account ni Jennica.

Dagdag pa rito, nagbahagi rin siya ng makahulugang mensahe tungkol sa pimagdadaanan niya.

“In life, it is natural for us to expect protection from someone we love the most. When the time comes, that person has a change of heart and we find ourselves all on our own. We crumble. We die inside. But in those moments I want you and me to remember one thing. YOU, ARE NEVER ALONE IN LIFE BECAUSE YOU ARE A CHILD OF GOD,” ani Jennica.

Dahil sa pangyayaring marami ang nagsuspetsang hiwalay na umano o may pinagdadaanan ang mag-asawa.

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz tulad ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco.

Nang ikasal sila ay nagdesisyon si Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng panahon ang kanilang pamilya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.