Abante Tonite Interactive

Alyana-Cardo nagpakilig sa Japan

470

Pagseselosan ni Julia?

Grabe, ang daming kinilig sa lumabas na mga larawan nina Coco Martin (Cardo Dalisay) at Yassi Pressman na ipinost ng administrator ng @cocomartin.ph na isa sa official accounts ng aktor sa Instagram.

Ang mga larawan ay kuha sa Japan nitong Holy Week. Kasama nila ang “Ang Probinsyano” family para sa Kapamilya Fiesta World.

Ang isang larawang sobrang ikinakilig ng CocoYass at halos mamatay na raw sila sa tuwa ay ‘yung inaayos ni Coco ang backpack ni Yassi. Ang sweet naman talagang tingnan at unang tingin ay para talaga silang magdyowa.
Ang caption naman na nakalagay sa photo ay “@mr.cocomartin@yassipressman Asakusa Temple Tour Japan” at may hashtags na #KFWJapan2019#Coco Martin at #B617.

Komento ng isang netizen, “Lord patawarin Niyo po ako tinatamad po ako mag work ngayon gusto ko na pong mahiga at mag lumpasay sa tuwa…”
Reaksyon naman ng isang fan, “same na sila nka bag pack.. same color din.. habang inaayos ni coco sa isang kamay nia eh ung kblang kamay nia nakahawak sa kamay ni yassi. supper sweet.. dto na mag start ung galawan ni coco na ipakita kung ano si yassi sa buhay nia..”

Sagot naman ng isa, “tama ka dyan, kasi kung si Coco talaga eh taken na… hindi siya gagalaw nang ganyan or magpapakita nang care kay Yassi.”
Komento naman ng isa, “Grabe, Ito agad ang nakita ko pagbukas ko ng IG ko. My god HELP. Nabigla po ako. Hinde na talaga maitago ang super close nila. Yassi, nakita ko na naman relo mo. Super happy ang puso ko.”
Sey naman ng isa pang fan, “Sana ganito lage ang mga post nyo admin kasi vitamins sa mga mata namin to! Yaaahoooo sarap tlaga sa mata.”

May short video rin na ipinost ang admin kung saan ay makikita naman si Coco pa ang kumukuha ng larawan sa mga kapwa-Pinoy na turista sa temple. May isang instance rin na photographer siya ni Yassi habang nagpa-picture ang leading lady with the fans kaya naman sobrang kinilig na naman ang mga taga­hanga nila.

Well, kung kinilig ang mga CocoYass fan, ano naman kaya ang naramdaman ng CocoJules fans nina Coco and Julia Montes?

Jeric sex slave sa Saudi

Finally ay pumayag na rin ang Kapuso actor na si Jeric Gonzalez na magpaka-daring at magpakita ng katawan. Mapapanood ang young actor in his very first sexy role sa “Magpakailanman” kung saan gagampanan niya ang papel na isang sex slave sa Saudi Arabia.

At dahil nga sex slave siya, pumayag si Jeric na maghubad nang walang daya at tanging skin-toned undies lang ang suot. So far, ito na raw ang pinaka-challenging role na kanyang nagampanan.

Bakit siya pumayag na magpa-sexy mula sa pagiging wholesome actor?
“Bilang artist and actor, parang gusto ko namang mag-explore ng panibagong. . . ‘yung marami akong matutunan, mas challenging, maggo-grow ako kung baga,” sey ni Jeric nang makausap namin sa proclamation rally ni Enrico Roque na tumatakbong Mayor ng Pandi, Bulacan.

Pagkatapos nito ay ready na ba siya na tumanggap na mga sexy roles? Kaya ba niyang magpakita ng butt or mag-frontal nudity?

“Wala naman pong frontal saka pa-puwet. Sexy lang siguro,” aniya.

Paano kung hinihingi talaga sa istorya at siya talaga ang bida’t ididirihe ng isang award-winning or magaling na direktor?

“Kung puwet naman, puwede namang magpa­kita. Pero frontal, hindi pa kaya siguro,” sambit niya.

May naka-line-up na ring bagong drama series si Jeric sa GMA-7 at aba­ngan na lang daw natin ito.

Sa lovelife, talagang nag-decide raw sila ni Pauline Mendoza na ma­ging friends na lang ngayon mula sa pagkakaroon ng MU (mutual

understanding).

“Nag-decide po kami na mag-focus na lang muna sa career namin,” sey pa niya.