Abante Tonite Interactive

Alyssa, Jema, Creamline babasagin ang Motolite

By
0 129

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Center)
(Battle for third)
4:00 p.m. – Perlas Spi­kers vs PetroGazz
(Best of three finals)
6:00 p.m. – Creamline vs Ateneo-Motolite

Aminado si Ateneo-Motolite head coach Oliver Almadro na mapapalaban ang kanyang mga batang alagad sa powerhouse team Creamline sa Game 1 ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Para kay Almadro, pahirapan ang magi­ging laban nila sa finals lalo’t mga beterano ang kanilang makakalaban sa pangunguna ni former Queen Eagle at volleyball superstar Alyssa Valdez.

Abante Hiring – IT dep

“Mahirap na serye ito, we are a collegiate team learning towards the UAAP,” hayag ni Almadro.

Magsisimula ang bakbakan sa ala-sais ng gabi pagkatapos ng battle-for-third sa pagitan ng PetroGazz at Perlas Spi­kers.

Bukod kay Valdez, ibabangga ng Cool Smashers sina Michele Gumabao, Jema Galanza, Pau Soriano, setter Jia Morado at libero Mel Gohing.

“We are just happy that we are here and we will give our best. Creamline is a very disciplined and experienced team. So we will learn from them,” hayag ni Almadro.

Ipananargo ni Almadro sina middle blockers Maddie Madayag at Bea De Leon, hitter Kat Tolentino, Ponggay Gaston, playmaker Deanna Wong at rookie Vanessa Gandler.