Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alyssa ‘mambobola’

0 223

KAHIT anong klaseng bola — volleyball, basketball, golf – kayang paglaruan ni Alyssa Valdez.

Ganito pinapatunayan ni Creamline Cool Smasher star Alyssa Valdez ang pagiging ‘mambo-bola’ nito o husay pagdating sa bola.

Sa bagong upload na IG story ng boyfriend ni Alyssa na si NLEX Road Warriors star Kiefer Ravena ay proud nitong ipinasilip ang angking talento sa tennis ng volleyball phenom.

Kamakailan lang ay nagpakitang gilas din ang magdyowang Kiefer-Allysa ng alley-oop dunk sa court.

Kasunod nun ay naispatan din silang nagpapakaligalig sa golf.

Magandang gawain naman ito para kay Valdez upang mapanatili ang kalusugan at magandang pangangatawan habang tigil ang aksyon dulot ng pandemic COVID-19. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.