Abante Tonite Interactive

Alyssa matunog sa back-to-back-to-back

9

Wala pang pormal na anunsyo pero sigurado nang isusukbit nina Ateneo volleyball stars Alyssa Valdez at Marck Jesus Espejo ang ikatlong season Most Valuable Player trophies matapos ilabas ng organizers ang kumpletong listahan ng mga individual awardees ng UAAP Season 78 volleyball tournament kahapon.

Alyssa Valdez
Alyssa Valdez

Unang sinungkit nina Valdez at Espejo ang MVP plum noong season 76 at muli nilang inangkin sa 77th season.

Sabay sinikwat ni Espejo ang MVP at Rookie of the Year awards sa season 76.

Mahahablot din ni 22-year-old Valdez ang Best Scorer at Best Server.

Bukod sa MVP, igagawad din kay Espejo ang Best Spiker at Best Server.

Ang ibang individual awardees sa women’s division ay sina Jaja Santiago ng National University Lady Bulldogs (Best Spiker), mga pambato ng De La Salle na sina MaJoy Baron, (Best Blocker), Dawn Nicole Macandili, (Best Digger, Best Receiver), Kim Fajardo, (Best Setter) at Rookie of the Year si Maria Lina Isabel Molde ng UP Lady Maroons.

Sa men’s, Best Scorer si Raymark Woo (DLSU),  Best Blocke­r si Edward Camposano (UE), Best Digger si Ricky Marcos (NU),  Best Setter si Esmilzo Jone­r Polvorosa (Ateneo) at Best Receiver si Rikko Marius Marmeto (FEU). Si James Martin Natividad (NU) ang Rookie of the Year. (Elech Dawa)